Daryl & Lyka

Daryl & Lyka buhay ng mag-asawang business owner 💍✨ weddings | family | real life

14/06/2026

Good Morning, Monday! 🌞
TYL sa madaming trabaho 😇
More pa po 🙏

Wedding planning is the first big project you’ll build as a team. 🤍
14/06/2026

Wedding planning is the first big project you’ll build as a team. 🤍

14/06/2026

Busy ako… pero siya muna. 💖

13/06/2026

ANO ANG PINAKA IMPORTANTE PARA MAGING SMOOTH ANG WEDDING DAY NG COUPLE?

Sobrang busy nung mga nakaraang araw, ginagabi kami ng uwi from events. Syempre dapat bumawi sa mga kids ☺️
13/06/2026

Sobrang busy nung mga nakaraang araw, ginagabi kami ng uwi from events. Syempre dapat bumawi sa mga kids ☺️

12/06/2026

PAANO MO MALALAMAN KUNG SOBRA NA ANG GUESTS MO?

12/06/2026

Wedding planning tip 🫢

11/06/2026

Paano nga ba kami nagsimula? 🤍

Sabi ko kay Daddy Daryl kanina habang nasa byahe kami pauwi,“Alam mo, nae-enjoy ko itong ginagawa natin.” 🤍Sa totoo lang...
10/06/2026

Sabi ko kay Daddy Daryl kanina habang nasa byahe kami pauwi,

“Alam mo, nae-enjoy ko itong ginagawa natin.” 🤍

Sa totoo lang, nitong mga nakaraang buwan napaisip kami kung ano pa ang pwede naming gawin para mas mapalapit sa mga couples at mas maintindihan ang totoong wedding experience nila.

Kaya naisip namin na bumalik sa ginagawa namin 8 years ago noong nagsisimula pa lang kami.

Yung pumupunta sa wedding events.

Nakikipagkwentuhan sa mga couple.

At nakikinig sa mga kwento nila.

Hindi ko naman ine-expect na magiging host pa kami. 😅

At kung magiging honest ako, hindi talaga ako komportable.

Hindi ako sanay sa attention at mas lalo na sa harap ng camera.

Pero habang tumatagal, mas nae-enjoy ko siya.

Iba pala kapag nakaharap mo mismo yung mga couple at naririnig mo ang kwento nila.

Hindi scripted.

Hindi pilit.

Hindi pinaghandaan.

Talagang real stories from real couples.

At doon ko mas narealize kung gaano kahalaga ang mga bagay na para sa amin ay normal na trabaho na lang.

Simpleng follow-up.

Pag-check kung okay pa sila.

Pag-remind ng requirements.

Pag-assist kapag nalilito sila sa planning.

Mga bagay na paulit-ulit naming ginagawa araw-araw.

Pero kapag kinukwento nila kung paano sila natulungan ng DL Weddings For Less team, doon namin nakikita yung impact ng mga maliliit na bagay na iyon.

At higit pa doon, nakikita rin namin kung saan pa kami pwedeng mag-improve.

Naririnig namin ang struggles nila bilang working couple na sabay nagwe-wedding planning.

Yung mga stress.

Yung mga worries.

At sa bawat interview, mas nakikita namin kung paano pa namin mapapadali ang wedding journey ng mga future bride and groom namin.

Kaya ngayon kahit pa magkasunod ang interviews, ginagabi ang uwi, may preparation bago pumunta sa event, tapos kami rin ang taga-shoot, taga-interview, at taga-edit…

Hindi namin gaanong ramdam yung pagod.

Wala kaming kasamang DL staff sa mga interviews na ito.

As in kami lang talaga.

Pero sulit.

Dahil bukod sa nakakataba ng puso ang feedback ng mga couples, pakiramdam namin may natututunan kaming bago sa bawat kwento.

Para sa business.

Para sa team.

At para sa mga future couples na makakapanood ng mga interviews na ito.

Totoo nga siguro.

Minsan kung nasaan ang challenge, nandun din ang opportunity.

Akala namin content lang ang mabubuo namin sa Real Wedding, Real Story.

Hindi namin ine-expect na kami rin pala ang maraming matututunan. 🤍

Oh siya, matutulog na nga ako.

Dalawang event pa ang for edit ko bukas. 😂

Goodnight. ☺️

Address

Marilao
3019

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Daryl & Lyka posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category