The Editorial Page

The Editorial Page Daily outlook and opinion in Philippine politics

      I’ve seen people on social media expressing so much anger and hatred when criticizing the government, often using ...
15/08/2026








I’ve seen people on social media expressing so much anger and hatred when criticizing the government, often using excessive profanity and personal insults. People have every right to criticize the government, and strong criticism is an important part of democracy. But intelligence is not measured by how harsh your words are, how many bad words you can use, or how aggressively you can attack someone.

What concerns me even more is when we demand respectful discussion from the opposing side while excusing the same kind of hateful and insulting behavior from our own side. The standard should be the same regardless of which side you support.

You can strongly disagree with the government—or with the opposition—without demeaning people. You can criticize policies, decisions, corruption, incompetence, or leadership through facts, meaningful ideas, good conversation, and constructive dialogue.

Being angry doesn’t make an argument stronger, and being vulgar doesn’t make someone more intelligent. Likewise, supporting the government doesn’t make someone automatically right, and opposing it doesn’t automatically make someone more intelligent or morally superior.

If we genuinely want better governance and a better society, we should learn to criticize ideas without dehumanizing people. Political disagreement should challenge our thinking, not destroy our ability to communicate with one another.

If we condemn arrogance, hatred, and abusive language from the other side, we should also have the courage to condemn it when it comes from our own side. Principles should not change depending on who is speaking.

01/08/2026




Taxpayers aren’t merely customers of government—they are the source of the government’s revenue. Therefore, accountability shouldn’t stop at saying how much money was spent. Citizens deserve to know what that spending accomplished.---

MISLEADING ANG “7 MILYONG OFWs NA MAY INSURANCE” NA PAHAYAG SA SONAKailangan nating maging maingat sa mga numerong binab...
01/08/2026

MISLEADING ANG “7 MILYONG OFWs NA MAY INSURANCE” NA PAHAYAG SA SONA

Kailangan nating maging maingat sa mga numerong binabanggit sa SONA, lalo na kung ginagamit ang mga ito upang ipakita na may malaking accomplishment ang gobyerno.

Kung sinabi ni President Ferdinand Marcos Jr. na 7 milyong OFWs ang may insurance, dapat linawin muna: Ano ang eksaktong insurance na tinutukoy? OWWA ba? Ilang active OWWA members ang sakop? At saan nanggaling ang bilang na 7 milyon?

Dahil hindi lahat ng Pilipinong nasa ibang bansa ay OFW, at hindi rin lahat ng Filipino migrants ay covered ng OWWA o ng insurance program ng gobyerno sa Pilipinas.

Halimbawa, may mga Pilipinong matagal nang permanent resident o citizen ng ibang bansa. Kasama sila sa mas malawak na population ng Filipinos overseas, pero hindi ibig sabihin na sila ay active OFWs o insured ng OWWA.

Samantala, ayon sa Philippine Statistics Authority, tinatayang 2.19 milyon ang OFWs noong 2024. Ibang konsepto ito kumpara sa kabuuang bilang ng Filipino migrants o overseas Filipinos.

Kaya kung ang 7 milyon ay tumutukoy sa mas malawak na bilang ng mga Pilipinong nasa ibang bansa, hindi accurate na gamitin ito upang palabasin na 7 milyong OFWs ang nabigyan o nabigyan ng insurance ng gobyerno.

Ito ang dapat malinaw:

7 million Filipinos overseas ≠ 7 million OFWs ≠ 7 million active OWWA members ≠ 7 million insured OFWs.

Hindi dapat paghaluin ang mga numerong ito para makalikha ng impresyon na napakalawak ng accomplishment ng gobyerno sa OFW protection.

Kung totoong 7 milyon ang insured, dapat ilabas nang malinaw ng gobyerno ang programa, database, definition, coverage, at reference year na pinagmulan ng numerong iyon.

Hindi sapat ang malaking numero. Kailangan nating malaman kung ano talaga ang binibilang.

Dahil ang maling paggamit ng statistics ay maaaring maging misleading, lalo na kapag ginagamit ito sa SONA upang ipakita na may accomplishment ang administrasyon na maaaring hindi naman ganoon ang ipinapakita ng aktuwal na datos.

Ang mga OFW at Filipino migrants ay nararapat sa proteksyon—pero nararapat din sila sa tama at transparent na impormasyon.




Sa kasalukuyang yugto ng impeachment trial, maaaring sabihin na ang pinakamahalagang tanong ay hindi kung may mga alegas...
29/07/2026

Sa kasalukuyang yugto ng impeachment trial, maaaring sabihin na ang pinakamahalagang tanong ay hindi kung may mga alegasyon laban sa Bise Presidente, kundi kung sapat na ba ang ebidensiyang naiprisinta ng prosecution upang maabot ang pamantayan ng paghatol ng impeachment court.

Una, sa usapin ng umano’y banta o assassination plot, hanggang sa puntong ito ay wala pang naihaharap na ebidensiyang nagpapatunay na may aktwal na planong ipapatupad ang naturang pahayag. Ang isang pahayag, gaano man ito kabigat o kontrobersyal, ay iba sa pagpapatunay na may konkretong plano o hakbang upang isagawa ito. Kung walang sapat na ebidensiyang nagpapakita ng intensyon, paghahanda, o aktuwal na pagkilos, nananatiling usapin ito ng interpretasyon at hindi pa ng napatunayang katotohanan.

Ikalawa, tungkol sa behavioral pattern na inilahad ng prosecution, mahalagang tandaan na ang konsepto ng “pattern” ay karaniwang nangangailangan ng paulit-ulit na magkakatulad na kilos o pangyayari na nagpapakita ng konsistenteng asal o intensyon. Kung iisang halimbawa lamang ang maipapakita, lalo na kung ito ay may malaking agwat ng panahon mula sa kasalukuyang pangyayari, maaaring kwestyunin kung sapat na ba iyon upang matawag na isang behavioral pattern. Ang isang isolated incident ay hindi awtomatikong nagiging pattern kung wala itong serye ng magkakatulad na pangyayari na sumusuporta rito.

Maaari ring isaalang-alang na ang mga taong nakararanas ng matinding galit, pagkadismaya, o takot ay maaaring makapagbitaw ng emosyonal na mga pahayag. Hindi ito nangangahulugang awtomatikong isasakatuparan nila ang kanilang sinabi. Gayunman, ang bigat o legal na epekto ng isang partikular na pahayag ay nakadepende pa rin sa kabuuan ng ebidensiyang maipapakita sa paglilitis.

Ikatlo, sa isyu ng confidential funds, kapansin-pansin na hindi itinanggi ng depensa na nagkaroon ng withdrawal ng malaking halaga mula sa bangko. Sa katunayan, nagkaroon pa ng stipulation ang magkabilang panig na ang mga transaksiyong iyon ay tunay na naganap. Dahil dito, hindi na naging pangunahing isyu ang kung nangyari ba ang withdrawal, kundi kung paano ginamit ang mga pondong iyon at kung ang paggastos ay naaayon sa batas at sa mga umiiral na regulasyon.

Mahalaga ring tandaan na ang katotohanang ang confidential funds ay bahagi ng aprubadong budget at may kaukulang awtorisasyon para ma-release ay hindi, sa sarili nito, nagpapatunay na tama o mali ang naging paggastos. Gayundin, ang pagkakaroon ng legal na appropriation ay hindi awtomatikong nagpapatunay ng anomalya. Ang tunay na usapin ay kung mapapatunayan ng prosecution na ang paggamit ng confidential funds ay lumabag sa batas, may iregularidad, o may naganap na maling paggamit ng pondo.

Sa madaling salita, ang sentro ng usapin ay hindi na ang pag-iral ng confidential funds o ang pag-withdraw ng pera mula sa bangko, sapagkat tila hindi ito pinagtatalunan ng magkabilang panig. Ang tunay na laban ay kung sapat ang ebidensiyang maipapakita upang patunayan na ang mga pondong ito ay ginamit sa paraang labag sa batas o may kasamang katiwalian.

Sa anumang impeachment proceeding, ang bigat ng kaso ay hindi nakasalalay sa dami ng paratang kundi sa kalidad, kredibilidad, at sapat na lakas ng ebidensiya. Kung hindi maipapakita ng prosecution ang kinakailangang ebidensiya upang patunayan ang bawat mahalagang alegasyon, maaaring mahirapan itong kumbinsihin ang impeachment court na dapat magkaroon ng conviction. Sa kabilang banda, kung makapagpapakita ito ng matibay at kapani-paniwalang ebidensiya ng iregularidad sa paggamit ng confidential funds o iba pang impeachment grounds, iyon ang magiging batayan ng paghatol ng korte.





Address

Zhonghua Road 11
Neili

Telephone

+886972124726

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Editorial Page posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share