HENRY J Pension Hotel

HENRY J  Pension Hotel name= generito "henryj" jugueta jr. residence= address; 68 francia st bgy 5 alabat island,quezon province

 Samantalang nangalilibang na tayo sa ibat ibang gawaing ayon sa laman sa araw araw; bigyan nman nating daan ang social ...
30/08/2026


Samantalang nangalilibang na tayo sa ibat ibang gawaing ayon sa laman sa araw araw; bigyan nman nating daan ang social media sa pagbasa ng ilang talata sa Biblia.
APOCALIPSIS 1:3 (ADB)
Mapalad ang bumabasa, at ang nakikinig ng mga salita ng hula, at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon: sapagka’t ang panaho’y malapit na.
JUAN 12:1-50 (ADB)
1. Anim na araw nga bago magpaskua ay naparoon si Jesus sa Betania, na kinaroroonan ni Lazaro, na ibinangon ni Jesus mula sa mga patay.
2. Kaya’t iginawa siya doon ng isang hapunan: at si Marta ay naglilingkod; datapuwa’t si Lazaro ay isa sa nangakaupo sa pagkain na kasalo niya.
3. Si Maria nga’y kumuha ng isang libra ng unguentong taganas na nardo, na totoong mahalaga, at pinahiran ang mga paa ni Jesus, at kinuskos ang kaniyang mga paa ng kaniyang mga buhok: at ang bahay ay napuno ng amoy ng unguento.
4. Datapuwa’t si Judas Iscariote, na isa sa kaniyang mga alagad, na sa kaniya’y magkakanulo, ay nagsabi,
5. Bakit hindi ipinagbili ang unguentong ito ng tatlong daang denario, at ibigay sa mga dukha?
6. Ito’y sinabi nga niya, hindi sapagka’t ipinagmalasakit niya ang mga dukha; kundi sapagka’t siya’y magnanakaw, at yamang nasa kaniya ang supot ay kinukuha niya ang doon ay inilalagay.
7. Sinabi nga ni Jesus, Pabayaan ninyong ilaan niya ito ukol sa araw ng paglilibing sa akin.
8. Sapagka’t ang mga dukha ay laging nasa inyo; nguni’t ako’y hindi laging nasa inyo.
9. Ang karaniwang mga tao nga sa mga Judio ay naalaman na siya’y naroroon: at sila’y nagsiparoon, hindi dahil kay Jesus lamang, kundi upang makita nila si Lazaro naman, na muling ibinangon niya mula sa mga patay.
10. Datapuwa’t nangagsanggunian ang mga pangulong saserdote upang kanilang maipapatay pati si Lazaro;
11. Sapagka’t dahil sa kaniya’y marami sa mga Judio ang nagsisialis at nagsisipanampalataya kay Jesus.
12. Nang kinabukasan ang isang malaking karamihan na nagsiparoon sa pista, pagkabalita nila na si Jesus ay dumarating sa Jerusalem,
13. Ay nagsikuha ng mga palapa ng mga puno ng palma, at nagsilabas na sumalubong sa kaniya, na nagsisigawan, Hosanna: Mapalad ang pumaparito sa pangalan Panginoon, samakatuwid baga'y ang Hari ng Israel.
14. At si Jesus, pagkasumpong sa isang batang a**o, ay sumakay doon, gaya ng nasusulat,
15. Huwag kang matakot, anak na babae ng Sion: narito, ang iyong Hari ay pumaparito, na nakasakay sa isang anak ng a**o.
16. Ang mga bagay na ito ay hindi napagunawa ng kaniyang mga alagad sa pasimula: nguni’t nang si Jesus ay maluwalhati na, ay saka nila naalaala na ang mga bagay na ito ay sinulat tungkol sa kaniya, at kanilang ginawa ang mga bagay na ito sa kaniya.
17. Ang karamihan ngang kasama niya nang tawagin niya si Lazaro mula sa libingan, at siya’y ibangon sa mga patay, ay siyang nangagpapatotoo.
18. Dahil dito rin naman ang karamihan ay nagsiyaon at sumalubong sa kaniya, sapagka’t nabalitaan nila na siyang gumawa ng tandang ito.
19. Ang mga Fariseo nga’y nangagsangusapan, Tingnan ninyo kung paanong kayo’y walang anomang ikapanaig; narito, ang sanglibutan ay sumusunod sa kaniya.
20. Mayroon ngang ilang Griego na nagsiahon sa kapistahan upang magsisamba:
21. Ang mga ito nga’y nagsilapit kay Felipe, na taga Betsaida ng Galilea, at nagsipamanhik sa kaniya, na sinasabi, Ginoo, ibig sana naming makita si Jesus.
22. Lumapit si Felipe at sinabi kay Andres: lumapit si Andres, at si Felipe, at kanilang sinabi kay Jesus.
23. At sinagot sila ni Jesus, na nagsasabi, Dumating na ang oras, na ang Anak ng tao ay luluwalhatiin.
24. Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Maliban ang butil ng trigo ay mahulog sa lupa at mamatay, ay natitira siyang magiisa; nguni’t kung mamatay, ay nagbubunga ng marami.
25. Ang umiibig sa kaniyang buhay ay mawawalan nito; at ang napopoot sa kaniyang buhay sa sanglibutang ito ay maiingatan yaon sa buhay na walang hanggan.
26. Kung ang sinomang tao’y naglilingkod sa akin, ay sumunod sa akin; at kung saan ako naroroon ay doon naman doroon ang lingkod ko: kung ang sinomang tao’y maglingkod sa akin, ay siya’y pararangalan ng Ama.
27. Ngayon ay nagugulumihanan ang aking kaluluwa; at ano ang aking sasabihin? Ama, iligtas mo ako sa oras na ito. Nguni’t dahil dito ay naparito ako sa oras na ito.
28. Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan. Dumating nga ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Niluwalhati ko na, at muli kong luluwalhatiin.
29. Ang karamihan ngang nangaroroon, at nangakarinig, ay nagsipagsabing kumulog: sinabi ng mga iba, Isang anghel ang nakipagusap sa kaniya.
30. Sumagot si Jesus at sinabi, Ang tinig na ito’y hindi dumating dahil sa akin, kundi dahil sa inyo.
31. Ngayon ang paghatol sa sanglibutang ito: ngayon ang prinsipe ng sanglibutang ito ay palalayasin.
32. At ako, kung ako’y mataas na mula sa lupa, ang lahat ng mga tao ay palalapitin ko sa akin din.
33. Datapuwa’t ito’y sinabi niya, na ipinaaalam kung sa anong kamatayan ang ikamamatay niya.
34. Sinagot nga siya ng karamihan, Aming narinig sa kautusan na ang Cristo ay lumalagi magpakailanman: at paanong sinasabi mo, Kinakailangan na ang Anak ng tao ay mataas? sino ang Anak ng taong ito?
35. Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Kaunting panahon na lamang sasagitna ninyo ang ilaw. Kayo’y magsilakad samantalang nasa inyo ang ilaw, upang huwag kayong abutin ng kadiliman: at ang lumalakad sa kadiliman ay hindi nalalaman kung saan siya tutungo.
36. Samantalang nasa inyo ang ilaw, ay magsisampalataya kayo sa ilaw, upang kayo’y maging mga anak ng ilaw. Ang mga bagay na ito’y sinalita ni Jesus, at siya’y umalis at nagtago sa kanila.
37. Nguni’t bagaman gumawa siya sa harap nila ng gayon maraming mga tanda, gayon ma’y hindi sila nagsisampalataya sa kaniya:
38. Upang maganap ang salita ng propeta Isaias, na kaniyang sinalita, Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita? At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?
39. Dahil dito’y hindi sila makapaniwala, sapagka’t muling sinabi ni Isaias,
40. Binulag niya ang kanilang mga mata, at pinatigas niya ang kanilang mga puso; Baka sila’y mangakakita ng kanilang mga mata, at mangakaunawa ng kanilang puso At mangagbalik-loob, At sila’y mapagaling ko.
41. Ang mga bagay na ito’y sinabi ni Isaias, sapagka’t nakita niya ang kaniyang kaluwalhatian; at siya’y nagsalita ng tungkol sa kaniya.
42. Gayon man maging sa mga pinuno ay maraming nagsisampalataya sa kaniya; datapuwa’t dahil sa mga Fariseo ay hindi nila ipinahayag, baka sila’y mapalayas sa sinagoga:
43. Sapagka't iniibig nila ng higit ang kaluwalhatian sa mga tao kay sa kaluwalhatian sa Dios.
44. At si Jesus ay sumigaw at nagsabi, Ang sumasampalataya sa akin, ay hindi sa akin sumasampalataya, kundi doon sa nagsugo sa akin.
45. At ang nakakita sa akin, ay nakakita doon sa nagsugo sa akin.
46. Ako’y naparito na isang ilaw sa sanglibutan, upang ang sinomang sumampalataya sa akin ay huwag manatili sa kadiliman.
47. At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan.
48. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw.
49. Sapagka’t ako’y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng utos, kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong salitain.
50. At nalalaman ko na ang kaniyang utos ay buhay na walang hanggan; ang mga bagay na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng Ama, gayon ko sinasalita.

25/08/2026


Samantalang nangalilibang na tayo sa ibat ibang gawaing ayon sa laman sa araw araw; bigyan nman nating daan ang social media sa pagbasa ng ilang talata sa Biblia.
APOCALIPSIS 1:3 (ADB)
Mapalad ang bumabasa, at ang nakikinig ng mga salita ng hula, at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon: sapagka’t ang panaho’y malapit na.
JUAN 8:1-59 (ADB)
1. Datapuwa’t si Jesus ay napasa bundok ng mga Olivo.
2. At pagka umaga ay nagbalik siya sa templo, at ang buong bayan ay lumapit sa kaniya; at siya’y naupo, at sila’y tinuruan.
3. At dinala sa kaniya ng mga eskriba at ng mga Fariseo ang isang babaing nahuli sa pangangalunya; at nang mailagay siya sa gitna,
4. Ay sinabi nila sa kaniya, G**o, nahuli ang babaing ito sa kasalukuyan ng pangangalunya.
5. Sa kautusan nga ay ipinagutos sa amin ni Moises na batuhin ang mga ganyan: ano nga ang iyong sabi tungkol sa kaniya?
6. At ito’y kanilang sinabi, na siya’y sinusubok, upang sa kaniya’y may maisumbong sila. Datapuwa’t yumuko si Jesus, at sumulat ng kaniyang daliri sa lupa.
7. Datapuwa’t nang sila’y nangagpatuloy ng pagtatanong sa kaniya, ay umunat siya, at sa kanila’y sinabi, Ang walang kasalanan sa inyo, ay siyang unang bumato sa kaniya.
8. At muli siyang yumuko, at sumulat ng kaniyang daliri sa lupa.
9. At sila, nang ito’y kanilang marinig, ay nagsialis na isa-isa, na nagpasimula sa katandatandaan, hanggang sa kahulihulihan: at iniwang magisa si Jesus at ang babae, sa kinaroroonan nito, sa gitna.
10. At umunat si Jesus, at sa kaniya’y sinabi, Babae, saan sila nangaroroon? wala bagang taong humatol sa iyo?
11. At sinabi niya, Wala sinoman, Panginoon. At sinabi ni Jesus, Ako man ay hindi rin hahatol sa iyo: humayo ka ng iyong lakad; mula ngayo'y huwag ka nang magkasala.
12. Muli ngang nagsalita sa kanila si Jesus, na sinasabi, Ako ang ilaw ng sanglibutan: ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan.
13. Sinabi nga sa kaniya ng mga Fariseo, Nagpapatotoo ka sa iyong sarili; hindi totoo ang patotoo mo.
14. Sumagot si Jesus at sa kanila’y sinabi, Bagama’t ako’y nagpapatotoo sa akin din, ay totoo ang aking patotoo; sapagka’t nalalaman ko kung saan ako nanggaling, at kung saan ako paroroon; datapuwa’t hindi ninyo nalalaman kung saan ako nanggaling, o kung saan ako paroroon.
15. Nagsisihatol kayo ayon sa laman; ako’y hindi humahatol sa kanino mang tao.
16. Oo, at kung ako’y humahatol, ang hatol ko’y totoo; sapagka’t hindi ako nagiisa, kundi ako at ang Ama na nagsugo sa akin.
17. Oo, at sa inyong kautusan ay nasusulat, na ang patotoo ng dalawang tao ay totoo.
18. Ako ang nagpapatotoo sa akin din, at ang Amang nagsugo sa akin ay nagpapatotoo sa akin.
19. Sa kaniya nga’y kanilang sinabi, Saan naroroon ang iyong Ama? Sumagot si Jesus, Hindi ninyo nakikilala ako, ni ang aking Ama: kung ako’y inyong makilala, ay makikilala rin ninyo ang aking Ama.
20. Sinalita niya ang mga salitang ito sa dakong kabang-yaman, nang nagtuturo siya sa templo: at walang taong humuli sa kaniya; sapagka’t hindi pa dumarating ang kaniyang oras.
21. Muli ngang sinabi niya sa kanila, Yayaon ako, at ako’y inyong hahanapin, at mangamamatay kayo sa inyong kasalanan: sa aking paroroonan, ay hindi kayo mangakaparoroon.
22. Sinabi nga ng mga Judio, Siya kaya’y magpapakamatay, sapagka’t kaniyang sinabi, Sa aking paroroonan, ay hindi kayo mangakaparoroon.
23. At sa kanila’y kaniyang sinabi, Kayo’y mga taga ibaba; ako’y taga itaas: kayo’y mga taga sanglibutang ito; ako’y hindi taga sanglibutang ito.
24. Sinabi ko nga sa inyo, na kayo’y mangamamatay sa inyong mga kasalanan: sapagka’t malibang kayo’y magsisampalataya na ako nga ang Cristo, ay mangamamatay kayo sa inyong mga kasalanan.
25. Sa kaniya nga’y kanilang sinabi, Sino ka baga? Sinabi sa kanila ni Jesus, Siya rin na sinalita ko sa inyo mula pa nang una.
26. Mayroon akong maraming bagay na sasalitain at hahatulan tungkol sa inyo: gayon pa man ang nagsugo sa akin ay totoo; at ang mga bagay na sa kaniya’y aking narinig, ang mga ito ang sinasalita ko sa sanglibutan.
27. Hindi nila napagunawa na tungkol sa Ama ang kaniyang sinasalita sa kanila.
28. Sinabi nga ni Jesus, Kung maitaas na ninyo ang Anak ng tao, saka ninyo makikilala na ako nga ang Cristo, at wala akong ginagawa sa aking sarili, kundi sinalita ko ang mga bagay na ito, ayon sa itinuro sa akin ng Ama.
29. At ang nagsugo sa akin ay sumasa akin; hindi niya ako binayaang nagiisa; sapagka’t ginagawa kong lagi ang mga bagay na sa kaniya’y nakalulugod.
30. Samantalang sinasalita niya ang mga bagay na ito, ay maraming nagsisampalataya sa kaniya.
31. Sinabi nga ni Jesus sa mga Judiong yaon na nagsisisampalataya sa kaniya, Kung kayo’y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo’y tunay nga kayong mga alagad ko;
32. At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana’y magpapalaya sa inyo.
33. Sa kaniya’y kanilang isinagot, Kami’y binhi ni Abraham, at kailan ma’y hindi pa naging alipin ninomang tao: paanong sinasabi mo, Kayo’y magiging laya?
34. Sinagot sila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan.
35. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man.
36. Kung palayain nga kayo ng Anak, kayo’y magiging tunay na laya.
37. Talastas ko na kayo’y binhi ni Abraham; gayon ma’y pinagsisikapan ninyong ako’y patayin, sapagka’t ang salita ko’y hindi magkasiya sa inyo.
38. Sinasalita ko ang mga bagay na aking nakita sa aking Ama: at ginagawa rin ninyo ang mga bagay na inyong narinig sa inyong Ama.
39. Sila’y nagsisagot at sa kaniya’y sinabi, Si Abraham ang aming ama. Sa kanila’y sinabi ni Jesus, Kung kayo’y mga anak ni Abraham, ay gagawin ninyo ang mga gawa ni Abraham.
40. Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsasaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham.
41. Ginagawa ninyo ang mga gawa ng inyong ama. Sinabi nila sa kaniya, Hindi kami inianak sa pakikiapid; may isang Ama kami, Ang Dios.
42. Sinabi sa kanila ni Jesus, Kung ang Dios ang inyong Ama, ay inyong iibigin ako: sapagka't ako'y nagmula at nanggaling sa Dios; sapagka't hindi ako naparito sa aking sarili, kundi sinugo niya ako.
43. Bakit hindi ninyo napaguunawa ang aking pananalita? sapagka’t hindi ninyo mangyayaring dinggin ang aking salita.
44. Kayo’y sa inyong amang diablo, at ang mga nasa ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka’t walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka’t siya’y isang sinungaling, at ama nito.
45. Nguni’t dahil sa sinasabi ko ang katotohanan, ay hindi ninyo ako sinasampalatayanan.
46. Sino sa inyo ang makasusumbat sa akin tungkol sa kasalanan? Kung sinasabi ko ang katotohanan, bakit hindi ninyo ako sinasampalatayanan?
47. Ang sa Dios ay nakikinig ng mga salita ng Dios: dahil dito'y hindi ninyo dinirinig, sapagka't kayo'y hindi sa Dios.
48. Nagsisagot ang mga Judio at sa kaniya'y sinabi, Hindi baga magaling ang aming pagkasabi na ikaw ay isang Samaritano, at mayroon kang demonio?
49. Sumagot si Jesus, Ako'y walang demonio; kundi pinapupurihan ko ang aking Ama, at ako'y inyong sinisiraan ng puri.
50. Nguni’t hindi ko hinahanap ang aking sariling kaluwalhatian: may isang humahanap at humahatol.
51. Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung ang sinoman ay tutupad ng aking salita, ay hindi siya makakakita magpakailanman ng kamatayan.
52. Sinabi ng mga Judio sa kaniya, Ngayo'y nalalaman naming mayroon kang demonio. Namatay si Abraham, at ang mga propeta; at sinasabi mo, Kung ang sinoman ay tutupad sa aking salita, ay hindi niya matitikman magpakailan man ang kamatayan.
53. Dakila ka pa baga sa aming amang si Abraham, na namatay? at nangamatay ang mga propeta: sino ang ipinalalagay mo sa iyong sarili?
54. Sumagot si Jesus, Kung niluluwalhati ko ang aking sarili, ang kaluwalhatian ko ay walang anoman: ang aking Ama'y siyang lumuluwalhati sa akin; na tungkol sa kaniya'y sinasabi ninyo, na siya'y inyong Dios;
55. At hindi ninyo siya napagkilala: nguni’t nakikilala ko siya; at kung aking sasabihin, na hindi ko siya nakikilala, ay ako’y matutulad sa inyo, na sinungaling: datapuwa’t nakikilala ko siya, at tinutupad ko ang kaniyang salita.
56. Nagalak ang inyong amang si Abraham na makita ang aking araw; at nakita niya, at natuwa.
57. Sinabi nga sa kaniya ng mga Judio, Wala ka pang limangpung taon, at nakita mo si Abraham?
58. Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham, ay ako nga.
59. Sila nga’y nagsidampot ng mga bato upang ihagis sa kaniya: datapuwa’t nagtago si Jesus, at lumabas sa templo.

MALAKIAS 2:16 (ADB) Sapagka't aking kinapopootan ang paghihiwalay, sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, at siya na nagt...
13/01/2026

MALAKIAS 2:16 (ADB)
Sapagka't aking kinapopootan ang paghihiwalay, sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, at siya na nagtatakip ng kaniyang damit na may karahasan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo: kaya't ingatan ninyo ang inyong kalooban na huwag kayong magsalita na may paglililo.

https://elisoriano.com/blog/
03/10/2025

https://elisoriano.com/blog/

December 19, 2020  |  In Blog, Featured, Latest News, Uncategorized Biblical Facts About the Real Birthdate of ChristWas Jesus Christ born in December? The belief that the Lord Jesus Christ was born on December 25 dates back to 336 A.D. when the church of Rome led a celebration of His nativity acc...

HEBREO 10:23-24 (ADB) 23. Na ating ingatang matibay ang pagkakilala ng ating pagasa upang huwag magalinlangan: sapagka’t...
17/08/2025

HEBREO 10:23-24 (ADB)
23. Na ating ingatang matibay ang pagkakilala ng ating pagasa upang huwag magalinlangan: sapagka’t tapat ang nangako:
24. At tayo’y mangagtinginan upang tayo’y mangaudyok sa pagiibigan at mabubuting gawa;

Address

068 Francia Street Barangay 5 Poblacion
Alabat
4333

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when HENRY J Pension Hotel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Hotel

Send a message to HENRY J Pension Hotel:

Shortcuts

Share

Category