31/10/2026
Rea it Carefully ... mga bawal sa Baguio City (ordinance)
8 COMMON FINES NA DAPAT MALAMAN BAGO PUMUNTA SA BAGUIO 🚫💸
Hindi lang lamig, traffic at tourist spots ang dapat paghandaan kapag pupunta sa Baguio. May ilang city ordinances din na mahigpit na ipinapatupad, lalo na sa public places, roads at central business district.
Narito ang ilan sa mga common violations na dapat tandaan ng tourists at locals:
1. Smoking / Va**ng sa prohibited areas
₱1,000 sa first offense, ₱2,000 sa second, at ₱3,000 sa third or succeeding offenses.
2. Littering / pagtatapon ng basura kung saan-saan
Maaaring umabot sa ₱1,000 sa first offense o community service, at mas mataas pa sa repeated violations.
3. Pagdura o pagnguya ng moma sa public places
₱500 sa first offense, ₱1,000 sa second, at ₱2,000 sa third or succeeding offenses.
4. Public urination / defecation
Maaaring umabot mula ₱1,000 hanggang ₱5,000 depende sa violation at kung repeat offender.
5. Illegal parking
Karaniwang may ₱500 fine, bukod pa sa posibleng towing o clamping charges.
6. Jaywalking
₱200 sa first offense, ₱500 sa second, at ₱1,000 sa third or succeeding offenses.
7. Paggamit ng cellphone habang tumatawid
May reprimand sa first offense at maaari ring mauwi sa community service sa repeated violation.
8. Road obstruction
Maaaring umabot mula ₱500 hanggang ₱5,000 depende sa klase at bigat ng violation.
May number coding din sa Baguio mula 7 AM hanggang 7 PM tuwing weekdays, kabilang ang ilang holidays, at hindi automatic exempted ang tourists.
Kaya bago gumala, mag-drive o maglakad sa city, mas mabuting alamin muna ang local rules para iwas abala at iwas multa.
Tourists, alin dito ang hindi ninyo alam bago pumunta sa Baguio? 👀