31/05/2026
Sa Lahat ng Pasahero:
Ipinagbibigay-alam po namin sa publiko na simula bukas, june 1, 2026, ang lahat ng biyahe ng sasakyang pandagat ng Montenegro Shipping Lines Inc. patungong Tingloy ay pansamantalang ililipat sa Talaga Port (Covered Court)
Dulot ito ng pagsisimula ng hanging Habagat (Southwest Monsoon) na kasalukuyang nakaaapekto sa Anilao Port.
Ang paglipat na ito ay isinasagawa upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at ng mga sasakyang pandagat.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pag-unawa.
Ctto : Montenegro Shipping Lines Inc.