04/06/2026
🌈🦄💙
🌈 WE STAND TOGETHER. ALWAYS.
Long before it became easy, popular, or expected, we have always believed in one simple truth: every person deserves respect, dignity, and the freedom to be who they are.
This month, we celebrate the LGBTQIA+ community—not only those who proudly wave their flags and live openly, but also those who continue to walk quietly, those who are still finding their voice, and those who choose not to come out at all.
Hindi kailangang maging loud para maging valid. Hindi kailangang magpaliwanag para tanggapin. At hindi kailangang magtago para magkaroon ng karapatan.
Sa mga matapang na lumalaban araw-araw, sa mga patuloy na pinipiling maging totoo sa sarili, at sa mga tahimik pang naglalakbay sa sarili nilang panahon—kasama ninyo kami. ⚧️✨
Patuloy tayong lalaban sa diskriminasyon, sa panghuhusga, at sa anumang humahadlang sa isang lipunang may tunay na pagtanggap at pagkakapantay-pantay.
Kasabay ng patuloy na paghingi ng pagtanggap at pag-unawa, paalala rin sa ating mga kaibigan at pamilyang bahagi ng LGBTQIA+ community: gamitin natin ang kalayaan at pagtanggap nang may respeto at pananagutan. Ang tunay na pagkakapantay-pantay ay may kasamang pag-unawa, paggalang sa iba, at pagiging mabuting halimbawa sa komunidad.
Darating ang panahon na wala nang kailangang matakot sa panghuhusga. Isang komunidad kung saan hindi mo kailangang humingi ng pahintulot para maging ikaw.
Sa , may lugar ka. May boses ka. May karapatan ka. At higit sa lahat—mahalaga at malaya ka.
Happy Pride Month, Mahal! 🌈🦄💙