12/08/2026
Another one! Malayang Kulay Closing Party!💙✨
Seven Universe Wazgudd Heart the Art
Parika na!
Apat na taon ng paglikha. Anim na taon ng pakikiisa. Isang komunidad.
Ngayong Agosto 21, 2026, sama-sama nating isara ang PARIKA LIKHAAN 2026: MALAYANG KULAY kasabay ng pagdiriwang ng 4th Anniversary ng Parika Kalye Sining at 6th Anniversary ng Alien Nation , sa pakikipagtulungan ng Compadres Slow Bar
Isang araw ng live music, flea market, surf skate, art workshop, shirt printing, at donation drive—hindi lang para magdiwang, kundi para ipagpatuloy ang mga ugnayang nabuo sa loob ng komunidad.
Ang araw na ito ay para sa inyo—sa mga artistang patuloy na lumilikha, sa mga naging boses ng lipunan, at sa mga manggagawang pangkultura na araw-araw nagbibigay-buhay sa ating komunidad.
Parika! Sama-sama nating tapusin ang Malayang Kulay at simulan ang susunod na pagyanig.