23/10/2026
Grabe naman tong guest na ’to, nilinis pa talaga! Haist! 🥹❤️
Sobrang nakakagaan ng pakiramdam kapag ganito yung guest mo. Alam mo yung feeling na kung ikaw yung staff, gaganahan ka lalo magtrabaho at maglinis kasi maayos at matino yung gumamit ng room. 🥹
Guys, kasama naman sa binabayaran niyo yung cleaning, pero sobrang naa-appreciate namin kapag hindi niyo kami binababoy. 😂❤️
Hindi niyo kailangang maglinis ng todo bago umalis. Pero yung simpleng pag-aayos at pagrespeto sa place, malaking bagay na sa amin.
Salamat sa mga guest na ganito. You have no idea kung gaano niyo napapagaan yung trabaho ng staff namin. 🫶🏻
Sana dumami pa kayo! ❤️