08/05/2026
๐ฆ๐๐ฃ-๐ณ๐๐ป๐ฑ๐ฒ๐ฑ ๐๐๐๐ผ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป, ๐๐๐บ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐๐๐ป๐ฑ๐๐ฎ๐ป ๐๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฆ๐๐ฝ๐ฝ๐น๐ถ๐ฒ๐ฟ ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐๐๐๐ฐ๐ฒ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ผ๐๐ฒ๐น ๐ฎ๐ ๐ฅ๐ฒ๐๐๐ฎ๐๐ฟ๐ฎ๐ป๐ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ผ ๐๐ถ๐๐
Isang mahalagang hakbang tungo sa mas matatag na kabuhayan ang naabot ng KSK DIA Organic Farmers SLP Association matapos pormal na lumagda sa Marketing and Supply Partnership Agreement kasama ang Ritz Hotel at Garden Oases at Urban Eats Corporation sa pamamagitan ng DSWD Field Office XI, sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) noong Mayo 6, 2026.
Sa ilalim ng nasabing kasunduan, magsisilbing opisyal na supplier ng lettuce at iba pang sariwang produktong agrikultural ang asosasyon para sa kilalang hotel at restaurant sa Davao City. Layunin nitong mabigyan ng mas malawak at tuloy-tuloy na merkado ang mga lokal na produktong mula mismo sa mga benepisyaryo ng programa.
Ang partnership na ito ay hindi lamang nagbubukas ng panibagong oportunidad para sa asosasyon kundi nagsisilbi ring hakbang upang mapalakas ang lokal na ekonomiya at maisulong ang pangmatagalang kabuhayan ng mga miyembro nito.
Lubos namang nagpapasalamat ang DSWD XI sa mga katuwang mula sa pribadong sektor na patuloy na nagbibigay ng oportunidad at tiwala sa mga SLP associations. Sa pamamagitan ng ganitong uri ng pakikipagtulungan, mas napapalawak ang access ng mga benepisyaryo sa merkado at mas napagtitibay ang sama-samang adhikain para sa inklusibo at sustenableng pag-unlad ng komunidad.
Patuloy ring pinagtitibay ng DSWD-SLP ang mga inisyatibong naglalayong makabuo ng mas maraming market linkage at sustainable partnerships para sa mga asosasyong suportado ng programa.