22/08/2026
Maraming, maraming salamat, Marikeño!
Matagumpay nating nairaos ang Marikeño’s Top 16 Restaurants in Gil Fernando!
Lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng bumoto, lumahok, sumuporta, nag-share, nag-comment, at tumulong para maging matagumpay at masaya ang event na ito. Higit sa isang simpleng botohan, naging pagkakataon ito upang ipakita natin ang galing, sarap, at husay ng mga kainan sa ating lungsod.
NARITO NA ANG TOP 3 WINNERS:
🥇 1ST PLACE — Ling Chan with 310 votes
🥈 2ND PLACE — Wok it Out Marikina 211 votes
🥉 3RD PLACE — Mang Ding’s Pinoy BBQ 160 votes
🌟 SPECIAL AWARDS
🏅 4TH PLACE — Seafoods Bucket 107 votes
🏅 5TH PLACE — Boy & Nita Ihaw-Ihaw 101 votes
PAANO BINILANG ANG MGA BOTO?
Para maging malinaw at transparent ang ating botohan, hinati natin ang mga boto sa unique at non-unique votes.
UNIQUE VOTE — boto mula sa isang account na nakapagbigay lamang ng isang valid na boto sa buong voting period. Ang mga ito ang pangunahing basehan ng official ranking.
NON-UNIQUE VOTE — karagdagang boto mula sa parehong account matapos na itong makapagbigay na ng naunang boto. Hindi ito itinuturing na panibagong unique voter, ngunit isinama pa rin sa kabuuang bilang ng votes para sa transparency ng resulta.
📌 TOTAL UNIQUE VOTES: 1,550
📌 TOTAL NON-UNIQUE VOTES: 121
📌 TOTAL COMBINED VOTES: 1,671
Maraming salamat sa bawat taong naglaan ng oras para bumoto at suportahan ang kanilang paboritong restaurant.
At higit sa lahat, CONGRATULATIONS SA LAHAT NG PARTICIPANTS! Ang ating Top 16 Restaurants in Gil Fernando!
• Miguel & Maria
• Blake's Wings & Steaks
• Ca Phe Saigon
• Comedor by Miguel & Maria
• Over Easy
• TIMPLA-Manila
• Subarashii Japanese Restaurant
• Lucciola Kitchen and Bar
• Cuore'
• Auntie's Bakery 1984
• Joseon Dynasty Marikina
Hindi man kayo napabilang sa Top 5, winner pa rin kayong lahat! Ang inyong pagsali ay malaking ambag sa layunin nating kilalanin at suportahan ang mga restaurant at food businesses sa Gil Fernando. Alam ko na ipagpapatuloy ninyong lahat na itaas pa ang kalidad ng inyong pagkain at pagandahin pa lalp ang inyong serbisyo.
Para naman sa ating Top 5, babalik kami sa inyong mga restaurant para muling mag-shoot ng inyong Thank You Videos bilang bahagi ng ating pasasalamat sa inyong suporta at pakikilahok. Antayin ang aming mensahe sa inyo para sa schedule ng aming bisita.
NOTE FOR TRANSPARENCY:
Ang kumpletong rankings at kabuuang boto ng lahat ng participants ay aming ililista sa comment section ng post na ito para makita ng lahat.
Maraming salamat, Marikeño, sa inyong tiwala, suporta, at pagmamahal sa ating local food community!
Mabuhay ang mga restaurant ng Gil Fernando!
Mabuhay ang Marikina!
At mabuhay tayong lahat, mga Marikeño!