Kapusod

Kapusod Located on the shore of Taal Lake, we offer yummy Batangas cuisine and feature ecological practices. Just 1.5 hours away from Manila.

Available for overnight stays (treehouse, earthdome, and bamboo huts). Kapusod is a nature retreat that promises affordable and unique dining and lodging experiences. Perfect for realigning with nature and connecting with yourself and the earth.

07/09/2026

Tumataas ang tubig sa Taal Lake. May nagbabara raw sa Pansipit River. Tanauan at Cuenca lang bang nalulubog?

Proud to be part of a growing local literary community.
07/09/2026

Proud to be part of a growing local literary community.

Sometimes the best thing to do in a garden is nap. πŸ’€
07/09/2026

Sometimes the best thing to do in a garden is nap. πŸ’€

In the show-and-tell portion of our writing workshop, published author and illustrator Hero Robles of Lipa presents his ...
31/08/2026

In the show-and-tell portion of our writing workshop, published author and illustrator Hero Robles of Lipa presents his book on the legend of Taal Volcano.

Ang saya ng poetry writing workshop dito kanina β€” β€œTula, Tulala sa Tabi ng Lawa.” There was a tree walk, hearty lunch, c...
31/08/2026

Ang saya ng poetry writing workshop dito kanina β€” β€œTula, Tulala sa Tabi ng Lawa.”

There was a tree walk, hearty lunch, clever prompts, quiet writing time, sharing, and even some unexpected tears that only heartfelt poetry can trigger.

Ang galing ng organizers mula sa The Little Women Society of Lipa City

Perfect weather pa: sunny, dry and breezy, with powerful lake waves giving an untamed vibe throughout the day.

Sana maulit!

β€œCharger yang spot na yan. Umupo ako ng mga 2 hrs doing nothing. Pagtayo ko para kong lumabas ng spa.” β€” Kapusod guest L...
31/08/2026

β€œCharger yang spot na yan. Umupo ako ng mga 2 hrs doing nothing. Pagtayo ko para kong lumabas ng spa.” β€” Kapusod guest Lewie Malolos

Our culinary twist on the endemic tawilis
29/08/2026

Our culinary twist on the endemic tawilis

Ang tawilis (𝘚𝘒𝘳π˜₯π˜ͺ𝘯𝘦𝘭𝘭𝘒 𝘡𝘒𝘸π˜ͺ𝘭π˜ͺ𝘴) ay ang tanging kilalang sardinas na nabubuhay sa tubig-tabang, at sa buong mundo, sa Taal Lake lang ito matatagpuan. Ibig sabihin, isa itong endemic species. Kaya kapag nawala ito sa Taal Lake, wala nang ibang natural na populasyon ng tawilis saanman sa mundo.

Noong nakaraan, ang Taal Lake ay konektado sa Balayan Bay at bahagi ng isang saltwater environment. Ngunit ang malalaking pagputok ng Bulkang Taal, lalo na ang pagsabog noong 1754, ay nagbago sa landscape at tuluyang humadlang sa dating koneksiyon ng lawa sa dagat. Unti-unting naging freshwater ecosystem ang lawa.

At ang mga isdang naiwan sa loob?

Kinailangan nilang mabuhay sa bagong mundo.

Sa paglipas ng panahon, ang populasyon ng sardinas na naiwan sa lawa ay nag-adapt sa freshwater conditions. Sa proseso ng evolutionary change, nabuo ang isang kakaibang lineage na kilala natin ngayon bilang tawilis.

Kaya isa itong halimbawa kung paano maaaring magbago ang buhay kasabay ng pagbabago ng isang ecosystem.

Dahil endemic ang tawilis sa Taal Lake, ang problema sa lawa ay problema rin ng buong species.

Ayon sa isang assessment na isinagawa, inilagay ang Tawilis sa IUCN Red List bilang Endangered (EN). Kasama sa assessment ang napakaliit nitong geographic range at patuloy na pagbaba ng population.

Hindi lang isang problema ang dahilan. Kabilang sa mga pangunahing pressure ang overfishing, pagkasira ng water quality, habitat degradation, at fish cages at aquaculture pressure. Ang sobrang development sa lawa ay maaaring nagdagdag ng nutrient loading at iba pang ecological pressures.

Kaya ang conservation ng tawilis ay hindi lamang tungkol sa fishing regulations.

Kasama rito ang pangangalaga ng watershed, pagpapanatili ng water quality, pagkontrol sa invasive species, sustainable fisheries, proteksiyon sa spawning grounds at sanctuaries, maayos na land-use planning, at pagbabawas ng pollution at runoff

Kung Endangered ang tawilis, bakit may mga taong nangingisda pa rin at may tawilis pa ring binebenta sa paligid ng Taal?

Libo-libong Pilipino ang umaasa sa yamang-tubig ng lawa para sa kanilang kabuhayan. Kaya hindi ganoon kasimple ang solusyon na basta na lamang ipagbawal ang pangingisda dahil endangered ang Tawilis. Kasabay ng pangangalaga sa species, kailangan ding isaalang-alang ang kabuhayan ng mga komunidad na matagal nang umaasa sa Taal Lake.

Kumbaga, Endangered ang tawilis kaya kailangan bawasan ang pressure sa population pero kailangan ding mabuhay ang mga taong umaasa sa lawa. So, kailangan ng science-based fishing regulations, protected areas, closed seasons, at alternative livelihood.

BTW, ang crunchy Tawilis na ito na may dahon ng curry tree ay natikman ko sa Kapusod sa Batangas. Crunchy at spicy tawilis ang atake nila πŸ™‚

On a rainy day, we still managed to host a podcast shoot featuring the inimitable science content creator Ethan Hernande...
29/08/2026

On a rainy day, we still managed to host a podcast shoot featuring the inimitable science content creator Ethan Hernandez, turning our bamboo second floor into a makeshift studio.

Address

Sitio Lipute, Barangay Kinalaglagan
Mataasnakahoy

Telephone

+639064175906

Website

,121.0924228,17z/data=!3m1!4b1!4m5!3m4!1s0x33bd6de476fb567b:0x7c

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapusod posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Hotel

Send a message to Kapusod:

Shortcuts

Share