21/05/2026
Madalang o hindi talaga namin sinasabi ang “balik po kayo” sa aming mga guests, kapag pauwi na sila puro lang kami “salamat po” at “ingat po”. Hindi dahil sa ayaw namin sila bumalik of course, but because hindi naman kami sigurado kung lahat ba sila e na-enjoy ang kanilang stay. 🙈
Humble enough to know that marami pa talaga ang kakulangan sa place… that’s why reading messages like these, from guests who took the time to message us after their visit, really mean a LOTTTT to us. Also, sa mga sumasagot po sa amin ng “balik po kami” kapag pauwi na sila, maraming maraming salamat po sa inyo.
So happy na andaming familiar faces o repeat-guests ang Tata Saling, pati sasakyan nila makakabisado na ata namin. 😆 We see you po and we appreciate you all! ❤️
Disclaimer to those who are reading this, mahirap po kami puntahan, malayo, liblib, at pangit ang daan. Sadyang mababait at adventurous lang ang mga nagiging guests namin. 🤣