02/11/2026
MULA SA MGA DOKUMENTO TUNGO SA PAGKILALA, MULA SA PAKIKILAHOK TUNGO SA PAGMAMAY-ARI. ๐ฟ
Ang mga buwan ng konsultasyon, pangangalap at pagsasaayos ng dokumento, validation, koordinasyon, at talakayan sa komunidad ay unti-unti nang nagbubunga ng mas mahalagang resulta: mas matibay na pagkilala sa karapatan ng mga Katutubong Pamayanan sa kanilang lupang ninuno at mas malakas na boses sa pagpapasya para sa kanilang kinabukasan.
Sa pamamagitan ng FORTIFI PPSRNP 2.0, sinuportahan ng proyekto ang mga komunidad sa mahahalagang proseso kaugnay ng pamamahala sa ancestral domain kabilang ang pagkompleto at pagsasaayos ng mga dokumento para sa CADCโCADT application, paghahanda at turnover ng Recognition Books para sa Cabayugan, Marufinas, at Tagabinet, at validation ng Kayasan ADSDPP.
Ang mga milestone na ito ay binigyang-diin sa pagdiriwang ng Indigenous Peoplesโ Month at ika-29 na paggunita ng IPRA, kung saan humigit-kumulang 200 community members, Indigenous leaders, government partners, at iba pang stakeholders ang nagtipon hindi lamang upang ipagdiwang ang kultura at pamana, kundi upang kilalanin ang konkretong progreso tungo sa mas matatag na ancestral domain governance.
Dahil ang pangangalaga sa kagubatan ay hindi lamang tungkol sa mga puno at lawak ng lupa.
Ito rin ay tungkol sa pagkilala sa mga pamayanang matagal nang nag-iingat sa mga likas-yamang ito at sa pagtiyak na mayroon silang karapatan, plano, institusyon, at boses upang patuloy itong mapangalagaan.
Ugat ng Pamana, Bukas ng Pamayanan. ๐ฑ