25/08/2026
ANG LABAN NG DHL UNITED WORKERS UNION (DUWU)–WSN–SENTRO AY LABAN PARA SA KARAPATAN NG BAWAT MANGGAGAWA NA MAGKAROON NG BOSES.
Kasama ng DHL United Workers Union (DUWU)–WSN–SENTRO, nakikiisa ang NUWHRAIN sa paninindigan laban sa union busting at sa pagtatanggol sa mga batayang karapatan ng manggagawa—freedom of association, the right to organize, at the right to bargain collectively.
Sa picket line, hindi lamang isang unyon ang ating nakikita. Nariyan ang mga manggagawang naninindigan na ang kanilang karapatang mag-organisa at makipagtawaran nang sama-sama ay hindi dapat patahimikin, pahinain, o ipagkait.
At bilang mga manggagawa sa industriya, alam natin kung gaano kalaki ang kapalit kapag nawawala ang seguridad sa trabaho. Naranasan ito ng ating mga kapatid na manggagawa sa Sofitel nang magsara ang hotel, at ng marami pang manggagawang naapektuhan ng pagsasara at pagbabago ng operasyon ng kanilang mga kumpanya.
Kaya narito ang NUWHRAIN,
kasama ng DUWU, kasama ng mga manggagawa.
Dahil ang laban para sa collective bargaining ay hindi lamang laban para sa isang CBA. Ito ay laban para sa boses, dignidad, at kinabukasang may katiyakan para sa manggagawa at sa kanyang pamilya.
DHL: THE RIGHT TO ORGANIZE MUST BE RESPECTED. COLLECTIVE BARGAINING MUST BE HONORED.
Kapag ang karapatan ng isa ay ipinaglaban, lahat ng manggagawa ay may dahilan upang manindigan.