23/09/2026
HOSTING REALITY CHECK | Sept 16 (Wednesday) - 36th Floor Unit
TO MS. ASHLEY IAN ZAINE DELA CRUZ
Last September 16, Wednesday, nag-book yung friend ng kapatid ko dahil birthday ng kaibigan niya. Hindi na ako humingi ng security deposit kasi naging kaibigan ko na rin yung tropa ng kapatid ko, tiwala lang.
Nag-extra guest pa sila at ang sabi ibibigay din yung bayad. Nag-chat ako sa tropa ng kapatid ko for payment, sabi "sige mamaya ipapasa." Kinabukasan, wala pa rin.
Tapos nalaman ko na lang na nauna na palang umalis yung tropa ng kaibigan ng kapatid ko kasi sabay sila umuwi dahil may pasok pa sa school. Magtatanghali na nung nag-chat ako ulit, saka lang sinabi na nakaalis na pala sila β walang paalam man lang sakin.
Dali-dali akong pumunta sa unit para i-check kasi hindi pa pala naka-lock. Pag bukas ko, ito yung bumungad sakin. Hindi normal na kalat. Maayos at malinis kong na-turn over yung unit sa kanila bago ko ibigay.
Nakakadismaya lang kasi yung tiwala na binigay mo, sinuklian ng ganito. Hindi ako naningil ng deposit dahil kaibigan, pinagbigyan sa extra guest dahil birthday β tapos iiwanang ganito at hindi na macontact hanggang ngayon pati sa IG.
From now on, no more "sige okay lang kasi kakilala." Lahat ng extra guest at damage, may bayad. Mahirap maging mabait pag inaabuso.
Sana sa mga nagre-rent, matuto tayong rumespeto sa unit na tinutuluyan natin. Hindi biro maglinis at mag-ayos para sa next guest.
β¨ SOBRA NAMIN INAALAGAAN ANG UNIT NAMIN DAHIL AYAW NAMIN MAPAHIYA SA NXT GUEST NAMIN PERO IKAW LANG PALA YUNG MAKAKAPAGBABOY SA UNIT NAMIN NA GANYAN β¨