23/06/2026
𝐊𝐀𝐋𝐈𝐍𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓
Katuwang ang ALAB Comunidad, matagumpay na naidaos ng 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐨𝐫𝐬’ 𝐀𝐬𝐬𝐨𝐜𝐢𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐟𝐨𝐫 𝐆𝐫𝐨𝐰𝐭𝐡 𝐚𝐧𝐝 𝐋𝐞𝐚𝐝𝐞𝐫𝐬𝐡𝐢𝐩 𝐄𝐱𝐜𝐞𝐥𝐥𝐞𝐧𝐜𝐞 (EAGLE) ng 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧
𝐀𝐜𝐚𝐝𝐞𝐦𝐢𝐜 𝐎𝐫𝐠𝐚𝐧𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 (EAO) mula Ateneo de Zamboanga University ang kanilang proyekto nitong Hunyo 6-13 at 20, 2026 sa Akay Kalinga Center, Zone I, Zamboanga City.
Ang proyektong ito ay pinamagatang "𝑩𝒂𝒔𝒂 𝒂𝒕 𝑺𝒖𝒍𝒂𝒕 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝑩𝒂𝒕𝒂𝒏𝒈 𝑳𝒂𝒏𝒔𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏: 𝑩𝒓𝒊𝒏𝒈𝒊𝒏𝒈 𝑳𝒊𝒕𝒆𝒓𝒂𝒄𝒚 𝒂𝒏𝒅 𝑯𝒐𝒑𝒆 𝒕𝒐 𝑺𝒕𝒓𝒆𝒆𝒕 𝑪𝒉𝒊𝒍𝒅𝒓𝒆𝒏."
Layunin ng proyekto na makatulong sa 'children in street situations' (CISS) upang matutuhan nila paano bumasa at sumulat sa tulong ng pagsasagawa ng workshop at pamamahagi ng mga kinakailangang kagamitan ukol dito.
Pinangunahan nina 𝐀𝐛𝐝𝐮𝐥-𝐑𝐚𝐡𝐢𝐦 𝐀𝐧𝐮𝐝𝐢𝐧, ang tagapangasiwa ng proyekto at 𝐈𝐯𝐫𝐚𝐧 𝐁𝐚𝐫𝐫𝐞𝐝𝐨, ang bise presidente ng ALAB-COM.
Kabilang ang proyekto sa taunang flagship program ng EAGLE bilang isang 𝒄𝒂𝒑𝒔𝒕𝒐𝒏𝒆 𝒑𝒓𝒐𝒋𝒆𝒄𝒕 nang mapalago ang kasanayan sa larangan ng kanilang propesyon.
Ang 𝑨𝑳𝑨𝑩 𝑪𝒐𝒎𝒖𝒏𝒊𝒅𝒂𝒅 ay mananatiling bukas sa anumang pakikituwang sa mga organisasyon na may iisang hangarin: ang pagtulong, paglingkod, at pag-ALAB – tungo sa pag-unlad at sa ikabubuti ng komunidad.